We all know that laughter is the best medicine, as Readers' Digest so says. Hence, as face the tough challenges ahead of us, I'd like to share some quips that should surely exercise those humor muscles that can give a state of relaxation to the reader. Pag hindi ka tumawa, baka may problema ka na talaga hehe. Thanks to my tennis friend based in Canada now, Rom. God bless
SA BAKERY
Pulubi: Palimos po ng cake.
Ale: Aba, sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake... eto pandesal!
Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?
__________________
BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali! Lagi nalang ako mali!!! Di 'nyo na ako mahal!
AMA: Nagkakamali ka anak?
BOY: See! Mali na naman ako!!!
_________________
Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang anak mo, ako o ung baboy? Umayos ka nay! Wag ganun!
________________
BF : May ibibigay akong gift sa iyo, pero hulaan mo muna!
GF: Sige, clue naman...
BF: Kailangan ito ng leeg mo.
GF: Kwintas?
BF: Hindi... PANGHILOD!
________________
(Sa loob ng Mall)
GUY: LOVE, yan ang dati kong girlfriend.
Jowa: Ang pangit pangit naman!
GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since...
________________
JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: ? (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
ERAP: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?
________________
inspiring quote of the day:
"hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos kasipagan ko."
________________
TEACHER: okay class our lesson for today is science. What is science?
PEDRO: ako ma'am! Ako ma'am!
TEACHER: okay Pedro, what is science?
PEDRO: science is our lesson for today.
________________
AMO: inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.
(nilabas ni Inday)
INDAY: off you go! Under no circumstance this house would relent to such
unabashed display of vagrant destitution!
PULUBI: oh! I'm so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!
(nakakuha na ng katapat si Inday!)
________________
BOB: nakakamagkano ka sa 1 araw?
PULUBI: nag-uumpisa kasi ako ng 8am. Ngayon 9am na. naka 80 na ko.
BOB: hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?
PULUBI: pwede na tong isang espresso macchiato sa starbucks!
________________
DOC: umubo ka!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: ubo pa!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: okay.
PEDRO: ano po ba sakit ko doc?
DOC: may ubo ka.
________________
in a miss gay pageant:
HOST: how can we uplift our economy today even though we are under economic crisis?
BAKLA: (namutla) mga bakla! Akala ko ba miss gay ito? Quizbee pala!
________________
MEKANIKO: sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: ha?! Pano yan?
MEKANIKO: nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!
________________
Divorced father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.
Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.
Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!
________________
BOY: dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
DAD: ha? aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?
________________
BOY1: nakakakawa naman lola mo.
BOY2: bakit?
BOY1: nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo.
Pinagtitinginan nga ng tao.
BOY2: papansin lang yun!
BOY1: bakit?
BOY2: bago kasi blouse niya!
________________
A boss confused about his Math asked his secretary:
If I give you P3M less 17%, how much would you take off?
SECRETARY: everything sir! Dress, bra, panty!
________________
TEACHER: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa
dugo't pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA: eeewwww!
________________
STUDENT: ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman
ginawa?
TEACHER: natural hindi.
STUDENT: good, di ko po ginawa assignment ko!
________________
PARI: halika sa sulok
MADRE: bakit po?
PARI: sara mo pinto.
MADRE: wag po!
PARI: patayin mo ilaw!
MADRE: diyos ko po!
PARI: tamo rosary ko. Glow in the dark!
________________
Sa kasalan
PARI: sana ang donation mo ay katumbas ng ganda ng pakakasalan mo.
GROOM: eto P5, father.
Tinignan ng pari ang bride.
PARI: eto P4 sukli mo iho.
________________
Sinoli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: sobrang dami ng characters wala naman storya.
LIBRARIAN: kayo pala kumuha ng telephone directory namin!
________________
SA OSPITAL.....
WIFE: hon, nahirapan ako huminga.
HUSBAND: kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na..
________________
GF: magaling! At sino tong baby na nagtext sayo?
BF: ah eh kumpare ko yun! Lalake yun! Baby lang palayaw.
GF: oh eto replyan mo. Hindi daw kayo tuloy at may mens daw ang tarantado!
________________
nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang
siya dahil wala naman siyang tinatanim.
BANTAY: sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: bobo! Seedless to!
________________
ANAK: nay, ano po ba yung 10 commandments?
NANAY: yun yung sampung utos ng Diyos.
ANAK: mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: bakit?
ANAK: ang dami niyong utos eh!
________________________
thought to ponder:
hindi kaya ang dahilan ng pagbaha sa panahon ni Noah ay pinutol niya lahat
ng puno para gumawa ng napaka laking arko? ano sa tingin mo?
________________________
Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
ATTENDANT: naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
ERAP: hay salamat. Akala ko bago
Search This Blog
Friday, March 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment